Ang tag-ulan ay panahon ng mga order sa Pilipinas: kung paano nito naapektuhan ang demand para sa delivery

Ang tag-ulan ay panahon ng mga order sa Pilipinas: kung paano nito naapektuhan ang demand para sa delivery

21 de agosto de 2023

Sinuri ng mga eksperto mula sa Maxim service ang data para sa 2022–2023 at napag-alamang mas madalas na umorder ang mga kliyente kapag umuulan. Natukoy din nila kung anong oras pinakarami ang nagpapa-deliver at ang mga pinakasikat na destinasyon ng order.

Ipinapakita ng resulta na tuwing tag-ulan taon-taon, tumataas nang humigit-kumulang 20% ang bilang ng mga order sa Pilipinas kumpara sa panahong hindi maulan. Dahil ito sa gusto ng mga tao na mas mapadali ang buhay nila sa tag-ulan.

Kadalasan, umoorder ang mga tao ng mga grocery o mga handa nang pagkain. Kasama sa limang pinakasikat na pagkaing ipinapa-deliver ang fried chicken wings, lechon, pizza, burger, at kape. Bukod dito, mataas din ang demand para sa paghahatid ng mga dokumento, damit, gamot, bulaklak, at parte ng sasakyan.

Para sa mga lugar na pinaghahatiran, kadalasang naghahatid ang mga delivery rider ng mga bagay at pagkain sa mga bahay o opisina ng mga kliyente sa panahong ito. Pinakamababa ang bilang ng paghahatid sa mga hotel, eskuwelahan, at tindahan.

Natukoy din ng mga nag-analisa ang oras kung kailan mayroong pinakamataas na bilang ng mga order kada araw: ito ay sa pagitan ng 11 a.m. at 3 p.m. Karaniwang nananghalian ang mga tao sa oras na ito, kaya madalas ang pagpapa-deliver sa mga opisina at bahay.

“Para mas mapadali ang araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa panahon ng tag-ulan kapag ayaw nilang lumabas ng bahay, gumawa kami ng paraan para maging mas komportable ang aming mga kliyente. Gumawa kami ng feature para sa paghahatid ng iba’t ibang kategorya ng mga kalakal. Gamit ang Bike Delivery at Car Delivery, puwedeng umorder ang mga kliyente ng maghahatid ng maliliit na bagay o dokumento. Angkop naman ang Pabili para sa pagbili ng mga grocery o kalakal mula sa listahan habang nasa bahay lang. Sa Foods&Goods marketplace, puwedeng makabili ang mga user ng mga grocery o pang-araw-araw na pangangailangan, at ipahatid ito sa kanila. Mahahanap ng bawat user kung ano ang naangkop sa kanila depende sa kanilang pangangailangan,” sabi ni Christopher Landong Poliran, head ng Maxim service subdivision sa Cebu.