Namigay ang Maxim ng libreng meals para sa matatandang residente sa Cebu

Namigay ang Maxim ng libreng meals para sa matatandang residente sa Cebu

Sa maagang bahagi ng Setyembre, naglunsad ang Maxim Rides & Food Delivery ng mga inisyatibo para mamahagi ng pagkain sa mga residenteng senior sa Cebu. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng social mission ng kompanya para suportahan ang mga mahihirap na populasyon.

Nagsimula ang preparasyon ng 4 a.m., at pagdating ng 6 a.m. nag-serve ang mga volunteer ng mainit na sopas sa daan-daang matatandang residente. Kabilang sa menu ang kanin, manok, sariwang gulay na tinimplahan ng mga tradisyonal na spices. Para madaling kainin, inilagay ang pagkain sa mga disposable container.

Dalawang Maxim driver-partner at tatlong promoter ang lumahok sa paghahanda at sa pamamahagi ng pagkain. Hindi lamang sila tumulong sa pag-oorganisa ng event, ginawa rin nilang kaaya-aya ang sitwasyon. Bukod diyan, tumulong sila sa funding ng event, na sumagot sa ilang bahagi ng gastos sa paghahanda ng pagkain.

“Nagagalak kaming magkaroon ng pagkakataong makatulong sa mas matandang henerasyon at makatulong sa buhay sa lungsod. Responsibilidad nating lahat ang pag-aalaga sa mga senior citizen, at ang mga programang katulad nito ay nagpapakilos sa atin upang patibayin ang ugnayan sa pagitan ng kompanya at ng komunidad,” saad ni Poliran Christopher Landong, head ng Maxim service sa Cebu.

Sa muli, kinumpirma ng inisyatibong ito na ang Maxim ay isang kompanya na nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa corporate social responsibility. Gumawa rin ang Maxim ng mga katulad na inisyatibo sa buong bansa: halimbawa, sa Pampanga, namahagi ang kompanya ng pagkain at mga school supply sa mga bata, at sa Koronadal naman, nakatanggap ang mga batang kindergarten ng kanilang unang gamit sa eskuwela bago ang magsimula ang school year. Bukod pa rito, nakipagtulungan ang Maxim sa Red Cross sa Zamboanga sa pag-oorganisa ng mga blood donation event sa mga driver-partner nito.

Hindi lamang ginawang abot-kaya ng Maxim ang ride-hailing at delivery services sa malaking populasyon, nanatili rin itong dedicated sa pagsuporta sa mga lokal na residente na nangangailangan sa buong 19 na siyudad kung saan nag-o-operate ang kompanya.

Пайдалы

Айдарлар