Mga card payment: Mas pinadali ng Maxim Rides & Food Delivery ang pag-order ng mga serbisyo sa Pilipinas

Mga card payment: Mas pinadali ng Maxim Rides & Food Delivery ang pag-order ng mga serbisyo sa Pilipinas

Ang Maxim Rides & Food Delivery na isa sa mga nangungunang platform para sa ride booking at food delivery, ay nagpakilala ng bagong cashless payment feature na available na ngayon sa buong bansa. Simula ngayon, maaari nang i-link ng mga user ang kanilang bank card sa app, at ang bayad nila ay awtomatikong makakaltas pagkatapos ng isang pagsakay.

Ngayon, ang kailangan mo lang gawin ay mag-add ng active na bank card sa Maxim app nang isang beses, at maaari ka nang magbayad para sa pagsakay na hindi gumagamit ng cash. Upang gawin iyan, pumunta sa app menu, piliin ang “Non-cash payment.” Sa “Bank cards” na seksiyon, i-tap ang “Add card,” at ilagay ang mga detalye ng iyong bank card. Para maiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan, aming inirerekomenda na ipaalam nang patiuna ng mga user sa mga driver-partner na magbabayad sila sa pamamagitan ng direct transfer mula sa kanilang bank card papunta sa in-app account ng driver-partner.

Ipinoproseso ng Maxim ang mga transaksiyon gamit ang Maya, at tinitiyak nito ang secure na paghawak sa pondo at data ng user. Ngunit maaari pa rinng magbayad ang mga user gamit ang bank card ng anumang bangko.

Ang cashless payment ay makakatulong na mawala ang mga mapanlinlang na cash transaction at ginagawang mas kombinyente at mas mabilis para sa mga kliyente ang pagbabayad sa mga driver-partner. Ngayon, hindi na kailangang alalahanin pa ng mga driver-partner ang pagbibigay ng sukli o paghahanap ng lugar para magpapalit ng malaking halaga.

“Ito ay isa na namang mahalagang hakbang sa aming katapatan sa innovation,” saad ni Morales Andres Jr Ibones, Presidente ng Maxim sa Pilipinas. “Ipinakikilala namin ang mga cashless payment para gawing mas kombinyente, ligtas, at up-to-date pa ang mga ride at delivery. Isa itong kontribusyon tungo sa mas magandang karanasan para sa lahat: mga pasahero, driver-partner at sa lahat ng iba pang kliyente.”

Муфид

Сарлавҳа