Pinakamahuhusay na kainan at kapehan sa lungsod: Maxim clients’ choice

Pinakamahuhusay na kainan at kapehan sa lungsod: Maxim clients’ choice

31 հոկտեմբերի, 2023 թ.

Naglunsad ang Maxim delivery service ng isang bagong proyekto na tinatawag na “Maxim Clients’ Choice” na nagbibigay ng listahan ng mga pinakasikat na café at restaurant sa iba’t ibang lungsod sa Pilipinas. Para magawa ang listahang ito, gumamit ang mga eksperto mula sa Maxim ng data mula sa app sa mga pinakasikat na establisimyento para sa mga user.

Ang restaurant na JOED LUTONG HAPON na nasa Cebu City ang unang sumali sa programa. Mahahanap ito ng mga mahilig sa pagkaing Japanese sa 299 Pres. Quirino St., Cebu City.

Kasalukuyang aktibo ang “Maxim Clients’ Choice” sa mga sumusunod na lungsod: Butuan, Cebu City, Davao City, Cagayan de Oro, Bacolod, General Santos, Zamboanga City, at Tacloban. Sa ngayon, higit sa 50 café at restaurant ang partner na ng programa.

Nagsisilbing maaasahang gabay sa pagkain ang rating na ito para sa mga lokal na residente at turista, na puwedeng gumamit dito para makakuha ng de-kalidad na serbisyo at pagkain, at magkaroon ng tunay na karanasan sa lokalidad.

Ang paglahok sa programang ito ay isang magandang oportunidad para makahikayat ng mga bagong customer ang mga may-ari ng negosyo. Kapag nakakita ang mga dumadaan ng makulay na sticker ng isang brand na pamilyar sa kanila sa pinto ng café, maeengganyo silang pumasok. Bukod pa rito, ililista ng Maxim ang mga negosyo ng mga kalahok sa seksyong “Mga Partner” sa app. Dahil dito, mahihikayat ang mga user na mas madalas pumunta sa mga café at restaurant ng mga kalahok sa programa.

Para sumali sa programa bilang partner, kailangan mong magmay-ari ng isang café, café-restaurant, restaurant, o club restaurant na may magandang disenyo, masarap na pagkain, at mahusay na serbisyo, at dapat kang magpadala ng kahilingan sa advertising@taximaxim.com. Susuriin ito ng Maxim at bibigyan ka ng certificate at sticker kapag nakapasa ka.

“Napakasaya kong sumali ako sa programa; nakakatulong itong ipakilala ang negosyo ko sa mas maraming potensyal na customer. Nakikita kong mas marami nang tao ang dumarating, hindi lang dahil sa sign namin sa labas pero dahil kapansin-pansin ang Maxim sticker,” sabi ng isang Maxim delivery service partner sa Cebu City.

“Inilunsad namin ang “Maxim Clients’ Choice” para matulungan ang mga negosyong makakuha ng mas maraming customer. Isa itong mahusay na oportunidad sa networking para sa magkabilang panig. Bukod pa dyan, kapag nakipagtulungan sila sa service namin, mas mapapadali ang proseso ng pag-deliver ng pagkain at mas mapapababa ang mga gastos sa transportasyon. Sikat ang opsyong ito sa mga café at restaurant na walang sariling delivery service. Nagbibigay din kami ng mga espesyal na opsyon sa pakikipagtulungan sa mga pinakaaktibong partner,” sabi ni Christopher Landong Poliran, head ng Maxim subdivision sa Cebu City.