Sino ang nagpapa-deliver sa Pilipinas: paglalarawan sa customer

Sino ang nagpapa-deliver sa Pilipinas: paglalarawan sa customer

30 noyabr 2023

Ang resulta, mas madalas na magpa-deliver ang mga babae kaysa sa mga lalaki sa Pilipinas. 57% ng lahat ng user ay babae. 43% naman ang mga lalaki.

Karamihan sa mga order ay mula sa mga nasa edad 25–35, na bumubuo sa 48% ng aming mga user. Pumapangalawa ang mga taong mas bata sa 24, na nasa 30%. Ikatlo, sa 16%, ang mga kliyenteng may edad na 36–45. Ang mga customer na lampas 46 na taong gulang ang nasa ikaapat, na bumubuo ng 6% ng kabuuang user.

Pagdating naman sa mga operating system ng smartphone, ginagawa sa mga Android device ang 83% ng pag-install ng app, habang 17% naman sa iOS. Base sa mga numerong ito, malinaw na limang beses na mas sikat ang Android kaysa sa operating system ng Apple. Gayunpaman, parehong tapat ang mga user ng dalawang system na ito, karaniwang nagbibigay sila ng matataas na rate sa mga app: ang average na rating ng Maxim sa mga merkado ay 4.8.

Ang pinakasikat na brand ng smartphone sa mga customer ay iPhone, na mula sa kumpanya sa US na Apple. 17% ng lahat ng customer ng Maxim ang gumagamit nito. Sumusunod dito ang mga smartphone na mula sa kumpanyang Korean na Samsung (15%) at dalawang Chinese brand: Oppo (15%) at Vivo (14%). Ikatlo ang Chinese smartphone na Realme (12%). Nasa ikaapat ang Xiaomi at Huawei na may 14% at 8% ng kabuuang dami ng customer, ayon sa pagkakabanggit.

Kung ganoon, sino ang tipikal na user ng food and goods delivery app? Karaniwan, isa siyang babae na nasa edad 25–35 na may iPhone.

“Na-install na nang milyon-milyong beses ang Maxim app sa Pilipinas. Puwedeng magpa-deliver ang aming mga user sa pamamagitan ng motor o kotse. Puwede ring gamitin ng mga customer ang aming app para humanap ng kasamang maglipat-bahay, magpabili o magpa-deliver ng mga bagay, o magpahatid o magpakuha ng labada. Sa mundo ngayon, isa itong kapaki-pakinabang na tool na makakatulong sa mga tao sa iba’t ibang sitwasyon. Pag-order ng hapunan para sa buong pamilya, paglipat sa bagong apartment, pagpapadala ng regalo sa mahal sa buhay… mahabang-mahaba pa ang listahan ng mga puwedeng gawin. Masaya kaming nakagawa kami ng service na ginagamit na ngayon ng milyon-milyong tao sa 18 lungsod sa Pilipinas,” sabi ni Christopher Landong Poliran, head ng Maxim service subdivision.