Mga New Year trends: Mga pinaka-madalas na inoorder na pagkain para sa New Year festive dinner sa ika-31 ng Disyembre

Mga New Year trends: Mga pinaka-madalas na inoorder na pagkain para sa New Year festive dinner sa ika-31 ng Disyembre

2023年12月29日

Sa bisperas ng New Year holidays, maraming mga tao ang nagsisimulang bumili ng pagkain para dito. Dahil dito ay madalas na may pila sa mga tindahan at magulo at masikip na trapiko sa mga daanan. Para maiwasan iyon at makatipid ng oras, ang mga tao na nakatira sa mga lungsod ay gumagamit ng iba’t ibang online delivery services.

Para sa New Year holidays na ito, tinukoy ng mga analyst sa “Maxim” ang top 5 na pinaka-inoorder na pagkain online mula Disyembre 28 hanggang Enero 2. Tinukoy din nila ang pinakadabest na oras para mag-order ng mga ito para makatipid ng pera sa pag dedeliver.

Ayon sa mga gumagamit ng mga online delivery apps, ang pinaka ibinebentang pagkain ay ang lechon – isang pambansang pagkaing pampistang Pilipino – ang nilitson na pinalamanang baboy. Sa loob ng nasabing panahon, inorder ito ng 20 % ng kabuuang mga taong nag-order.

Nasa pangalawang pwesto ay ang fruit salad. Ito ay inoorder ng 20 % na mas madalas sa ika-1 ng Enero. Mula Disyembre 28 hanggang Enero 2, ang bilang ng mga taong nag-order nito ay 15 %. Nasa pangatlong pwesto ay ang ham, may 12 % share ng bilang mga order ito.

Nasa pang-apat na pwesto ay may dalawang uri ng pagkain: ang pasta bolognese at ang pasta carbonara. Ito ay nagugustuhan ng 11 % ng mga umorder. Ang pinakahuling pagkain sa listahang top 5 namin ay ang tradisyonal na pagkaing pam-Pasko na ang Queso de bola - isang hindi pangkaraniwang bola ng keso na inilagay sa papel na pula ang kulay. Bagama't hindi isang tradisyunal na pagkain sa Pilipinas ang keso, ang demand para dito ay tumataas ng 10 % sa panahon ng New Year holidays.

Tinukoy din ng mga eksperto ng “Maxim” ang oras kung kailan kailangang gumawa ng order para makatipid ng hanggang 25 % sa pagdedeliver. Ang demand para sa mga delivery services ay tataas ng hanggang 50 % sa hapon at sa gabi ng ika-30 at ika-31 ng Disyembre – dahil dito pwede ring tumaas ang presyo. Aabot sa pinakamataas na halaga ang demand mula sa gabi ng Disyembre 31 hanggang umaga ng Enero 1.

Kaya, para mag-order ng pagkain sa mga regular na presyo, kailangan mong iwasan ang mga peak hours sa loob ng panahon ng pinakamataas na demand. Kaya magplano ka ng iyong pag-oorder kung gusto mong makatipid ng pera sa pagdedeliver. Pwede mong palaging kalkulahin ang kasalukuyang gastos sa pagdedeliver para sa napili mong ruta gamit ang application naming tinatawag na “Maxim”.

Sa mga abalang araw na ito, ang serbisyong “Maxim” ay tutulong sa iyo na makarating saanman sa oras, maghanda ng mga tradisyonal na pagkain nang mas mabilis at mabigyan ng mas maraming oras ang iyong pamilya at mga kaibigan.